Saturday, November 1, 2008

pagbabalik-tanaw ni ding sa nayon ng balsahan

Paalala lamang para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, ang pagbabalik-tanaw na ito ay upang maalala natin ang nakalipas na panahon ng tunay at taal na taga balsahan sa pamamagitan ng papaano sila nakilala at binansagan ng pangalan sa sarili o lugar sa balsahan. Ano man o sino man ang mabanggit sa balik-tanaw na ito ay minarapat ko muna na ihingi ng paumanhin sa mga kaanak nito. Atin pong tandaan na ito'y upang ibalik ang ating masayang nakaraan at sama-sama nating ibalik sa ating alaala ang katayuan, kalagayan ng mga taong hindi natin malilimutan. Ang tema po ng pagbabalik-tanaw na ito ay kasali lahat tayo na taga balsahan. Babanggit po ako ng pangalan, ugali o lugar at sino man ang nakakaalam ng tamang kasagutan ay mangyari po lamang ibahagi ninyo ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. I-click sa may bandang ibaba na may nakasulat na KOMENTARYO(Post a Comment) para sa inyong kasagutan o komento.
2. I-type ang sagot sa malaking box na may nakasulat na"POST A COMMENT".
3. I-click naman ang bilog sa bandang ibaba na nakasulatna COMMENT AS at i-click ang " Name/URL .
4. I-type ang pangalan sa kahon ng NAME kung ano ang inyong palayaw o pangalan para sa kaalaman ng lahat.
5. I-click ang "POST COMMENT " para lumabas ang inyong isinulat.
Ilan lamang mga katanungan ang ibabahagi ko sa inyo sa araw araw o linguhan nating pagsasama sa site na ito. Marami pong salamat.


"MABUHAY AT MAGKAISA PO TAYO SA BALSAHAN. "


DING PERIOD



KATANUNGAN SA PAGBABALIK-TANAW:

1. Ano ang tunay na pangalan ng Lola Tinay?
2. Sino o ano ang pangalan ng asawa ng Lola Tinay?
3. Anong edad ng mamayapa ang Lola Tinay?
4. Ano ang bansag o tawag sa Lola Tinay at bakit?
5. Sino o ano ang pangalan ng anak ng Lola Tinay?
6. Ano at paano nakilala ang Lola Tinay sa Pilipinas?
7. Mag bigay ng 2-3 hobby o kasiyahang gingawa ng Lola Tinay?
8. May paboritong unan ang Lola Tinay, ano ito?

ABANGAN PA ANG MGA SUSUNOD NA PAGBABALIK TANAW........DING!

1 comment:

  1. Hinahamon ko ang mga taga balsahan na ibalik ang nakaraan at ating sariwain ang nakalipas sa pamamagitan ng pag tugon sa aking mga katanungan, sinoman sa inyo ang nakakaalam.Ang inyng sagot o opinion ay mahalaga tama man o mali?Ang partisipasyon mo ay mag-uugnay ikaw ay "TAGA BALSAHAN".Maraming salamat po!!!!

    ReplyDelete